Add parallel Print Page Options

Ang Mapayapang Kaharian

11 Ang maharlikang angkan ni David[a] ay parang punong pinutol. Pero kung papaanong ang tuod ay nagkakaroon ng usbong, darating din ang isang bagong hari mula sa angkan ni David. Mananatili sa kanya ang Espiritu ng Panginoon at magbibigay ito sa kanya ng karunungan, pang-unawa, kakayahan sa pagpaplano, kapangyarihan, kaalaman, at takot sa Panginoon. Magiging kagalakan niya ang pagsunod sa Panginoon. Hindi siya mamumuno at hahatol batay lang sa kanyang nakita o narinig sa iba.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:1 David: sa Hebreo, Jesse. Siya ang ama ni David.