Isaias 49:6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Sinabi(A) sa akin ni Yahweh:
“Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo.
Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi,
gagawin din kitang liwanag sa mga bansa
upang ang buong daigdig ay maligtas.”
Lucas 2:32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
32 Ito(A) po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil
at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel.”
Lucas 2:32
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
32 Isang ilaw ng pagpapahayag sa mga Hentil
at para sa kaluwalhatian ng bansa mong Israel.”
Mga Gawa 13:47
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
47 Ganito(A) ang iniutos sa amin ng Panginoon,
‘Inilagay kitang liwanag sa mga Hentil
upang magdala ng kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’”
Mga Gawa 13:47
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
47 Ganito (A) ang iniutos sa amin ng Panginoon,
‘Inilagay kitang isang ilaw sa mga Hentil,
upang ikaw ay maghayag ng kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’ ”
Mga Gawa 26:23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 na(A) ang Cristo ay kailangang magdusa, at siya ang unang mabuhay na muli upang magpahayag ng liwanag sa mga Judio at sa mga Hentil.”
Read full chapter
Mga Gawa 26:23
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 na (A) ang Cristo ay dapat magdusa, at bilang unang muling nabuhay mula sa kamatayan, ay ihayag ang liwanag sa Judio at sa mga Hentil.”
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.