Add parallel Print Page Options

Sinasabi(A) ng isang tinig, “Ikaw ay dumaing!”
    At sinabi ko, “Ano ang aking idadaing?”
Lahat ng laman ay damo,
    at lahat niyang kagandahan ay parang bulaklak ng parang.
Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta,
    kapag ang hininga ng Panginoon ay humihihip doon;
    tunay na ang mga tao ay damo.
Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta;
    ngunit ang salita ng ating Diyos ay mamamalagi magpakailanman.

Read full chapter