Add parallel Print Page Options

Sapagkat(A) ang aking tabak ay nalasing sa langit;
    narito, ito'y bumababa sa Edom,
    sa bayan na aking itinalaga para hatulan.
Ang Panginoon ay may tabak na punô ng dugo,
    ito ay ginawang mataba ng katabaan,
    sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing,
    sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa.
Sapagkat may handog ang Panginoon sa Bosra,
    isang malaking patayan sa lupain ng Edom.
Ang maiilap na baka ay mabubuwal na kasama nila,
    at ang mga batang baka na kasama ng malalakas na toro.
Ang kanilang lupain ay basang-basa sa dugo,
    at ang kanilang alabok ay sasagana sa katabaan.

Sapagkat ang araw ng paghihiganti ay sa Panginoon,
    ang taon ng pagganti para sa kapakanan ng Zion.
At ang kanyang mga batis ay magiging alkitran,
    at ang alabok niya ay magiging asupre,
    at ang lupain niya ay magiging nagniningas na alkitran.
10 Hindi(B) ito mapapatay sa gabi o sa araw man;
    ang usok niyon ay paiilanglang magpakailanman.
Mula sa isang lahi hanggang sa susunod na lahi ito ay tiwangwang,
    walang daraan doon magpakailan kailanman.
11 Ngunit ito ay aangkinin ng lawin at ng porkupino;
    at ang kuwago at ang uwak ay maninirahan doon.
Kanyang iuunat doon ang pisi ng pagkalito,
    at ang pabigat ng kawalan sa mga mararangal nito.
12 Kanilang tatawagin iyon na Walang Kaharian Doon,
    at lahat niyang mga pinuno ay mawawalang kabuluhan.
13 At mga tinik ay tutubo sa kanyang mga palasyo,
    mga dawag at damo sa mga muog niyon.
Iyon ay magiging tahanan ng mga asong-gubat,
    tirahan ng mga avestruz.
14 At ang maiilap na hayop ay makikipagsalubong sa mga asong-gubat,
    at ang lalaking kambing ay sisigaw sa kanyang kasama;
ang malaking kuwago ay maninirahan din doon,
    at makakatagpo siya ng dakong pahingahan.
15 Doo'y magpupugad at mangingitlog ang ahas,
    at magpipisa ng itlog at titipunin sa kanyang lilim;
doon matitipon ang mga lawin,
    bawat isa'y kasama ng kanyang kauri.
16 Inyong saliksikin at basahin ang aklat ng Panginoon:
    Kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang;
    walang mangangailangan ng kanyang kasama.
Sapagkat iniutos ng bibig ng Panginoon,
    at tinipon sila ng kanyang Espiritu.
17 At siya'y nagpalabunutan para sa kanila,
    at ito'y binahagi ng kanyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat;
ito'y kanilang aariin magpakailanman,
    mula sa mga sali't salinlahi ay maninirahan sila roon.

Read full chapter

Ang Tagumpay ng Panginoon

63 Sino(A) ito na nanggagaling sa Edom,
    na may mga kasuotang matingkad na pula mula sa Bosra?
Siya na maluwalhati sa kanyang suot,
    na lumalakad sa kadakilaan ng kanyang lakas?

“Ako iyon na nagsasalita ng katuwiran,
    makapangyarihang magligtas.”

Bakit pula ang iyong kasuotan,
    at ang iyong damit ay gaya niyong yumayapak sa pisaan ng alak?
“Aking(B) niyapakan ang pisaan ng alak na mag-isa,
    at mula sa mga bayan ay wala akong kasama;
sa aking galit ay akin silang niyapakan,
    at sa aking poot ay akin silang niyurakan;
at ang kanilang dugo ay tumilamsik sa mga suot ko,
    at namantsahan ang lahat ng suot ko.
Sapagkat ang araw ng paghihiganti ay nasa aking puso,
    at ang aking taon ng pagtubos ay dumating.
Ako'y(C) tumingin, ngunit walang sinumang tutulong,
    ako'y namangha ngunit walang umalalay;
kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay,
    at ang aking poot sa akin ay umalalay.
Aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit,
    nilasing ko sila sa aking poot,
    at ibinuhos ko sa lupa ang kanilang dugo.

Read full chapter

Ang Hatol ng Panginoon sa Edom

Tungkol(A) sa Edom.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo:

“Wala na bang karunungan sa Teman?
    Naglaho na ba ang payo mula sa matalino?
    Naparam na ba ang kanilang karunungan?
Tumakas kayo, bumalik kayo, manirahan kayo sa kalaliman,
    O mga naninirahan sa Dedan!
Sapagkat dadalhin ko ang pagkasalanta ng Esau sa kanya,
    sa panahon na parurusahan ko siya.
Kung ang mga nag-ani ng ubas ay dumating sa iyo,
    hindi ba sila mag-iiwan ng mga napulot?
Kung mga magnanakaw ay dumating sa gabi,
    hindi ba sisirain lamang nila ang sapat para sa kanilang sarili?
10 Ngunit aking hinubaran ang Esau,
    aking inilitaw ang kanyang mga kublihan,
    anupa't hindi niya maikukubli ang kanyang sarili.
Ang kanyang mga supling ay napuksa kasama ng kanyang mga kapatid,
    at ng kanyang mga kapitbahay; at siya'y wala na rin.
11 Iwan mo ang iyong mga ulilang anak, pananatilihin ko silang buháy,
    at hayaang magtiwala sa akin ang iyong mga babaing balo.”

12 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon: “Narito, silang hindi nahatulang uminom sa kopa ay tiyak na iinom, ikaw ba'y hahayong napawalang-sala? Ikaw ay hindi hahayong napawalang-sala, kundi tiyak na iinom ka.

13 Sapagkat ako'y sumumpa sa aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang Bosra ay magiging katatakutan, kakutyaan, guho, at sumpa; at ang lahat ng mga lunsod nito ay magiging wasak magpakailanman.”

14 Ako'y nakarinig ng balita mula sa Panginoon,
    at isang sugo ang ipinadala sa mga bansa:
“Kayo'y magtipun-tipon at pumaroon laban sa kanya,
    at bumangon upang lumaban!”
15 Sapagkat, narito, ginawa kitang maliit sa gitna ng mga bansa,
    at hamak sa gitna ng mga tao.
16 Tungkol sa iyong kakilabutan,
    dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso,
ikaw na nakatira sa mga bitak ng bato,[a]
    na humahawak sa kataasan ng burol.
Bagaman pataasin mo ang iyong pugad na kasintaas ng sa agila,
    ibababa kita mula roon, sabi ng Panginoon.

17 “Ang Edom ay magiging katatakutan; bawat magdaraan doon ay mangingilabot at susutsot dahil sa lahat ng kapinsalaan nito.

18 Gaya(B) ng pagbagsak ng Sodoma at Gomorra, at ng mga karatig-bayan ng mga ito, sabi ng Panginoon, walang sinumang mananatili roon, walang anak ng tao na maninirahan doon.

19 Narito, gaya ng leon na umaahon sa gubat ng Jordan laban sa matibay na kulungan ng tupa, bigla ko silang patatakbuhing papalayo sa kanya; at hihirang ako ng mamamahala sa kanya ng sinumang aking piliin. Sapagkat sino ang gaya ko? Sinong magpapatawag sa akin? Sinong pastol ang tatayo sa harapan ko?

20 Kaya't inyong pakinggan ang panukalang ginawa ng Panginoon laban sa Edom at ang mga layunin na kanyang binuo laban sa mga naninirahan sa Teman: Maging ang maliliit ng kawan ay kakaladkarin, tiyak na gagawin niyang wasak ang kanilang pastulan dahil sa kanila.

21 Ang lupa ay nayanig sa ingay ng kanilang pagbagsak. Mayroong sigaw! Ang ingay nito ay narinig sa Dagat na Pula.

22 Narito, siya'y aahon at mabilis na lilipad na gaya ng agila, at ibubuka ang kanyang mga pakpak laban sa Bosra, at ang puso ng mga mandirigma ng Edom sa araw na iyon ay magiging gaya ng puso ng babae sa kanyang panganganak.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Jeremias 49:16 o Sela .

Ang Pahayag Laban sa Edom

12 “Ganito(A) ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat ang Edom ay gumawang may paghihiganti sa sambahayan ni Juda at nagkasala ng mabigat sa paghihiganti sa kanila,

13 kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos, Iuunat ko ang aking kamay laban sa Edom, at aking aalisin doon ang tao at hayop. Gagawin ko itong wasak mula sa Teman hanggang sa Dedan at babagsak sila sa pamamagitan ng tabak.

14 At aking gagawin ang aking paghihiganti sa Edom sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel. Kaya't kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking poot; at kanilang malalaman ang aking paghihiganti, sabi ng Panginoong Diyos.

Read full chapter

Ang Edom

11 Ganito(A) ang sabi ng Panginoon:

“Dahil sa tatlong pagsuway ng Edom,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa,
sapagkat hinabol niya ng tabak ang kanyang kapatid,
    at ipinagkait ang lahat ng habag,
at ang kanyang galit ay laging nangwawasak,
    at taglay niya ang kanyang poot magpakailanman.
12 Ngunit magsusugo ako ng apoy sa Teman,
    at tutupukin nito ang mga tanggulan ng Bosra.”

Read full chapter

Ang Pagmamataas ng Edom ay Ibababa

Ang(A) pangitain ni Obadias.

Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos tungkol sa Edom:
Kami ay nakarinig ng mga balita mula sa Panginoon,
    at isang sugo ang ipinadala sa mga bansa:
“Bumangon kayo! Tumindig tayo laban sa kanya sa pakikipagdigma!”
Narito, gagawin kitang maliit sa mga bansa;
    ikaw ay lubhang hinahamak.
Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso,
    ikaw na naninirahan sa mga bitak ng bato,
    na ang tahanan ay matayog
na nagsasabi sa iyong puso, “Sinong magbababa sa akin sa lupa?”
Bagaman ikaw ay nagtatayo nang mataas na parang agila,
    bagaman inilalagay mo ang iyong pugad na kasama ng mga bituin,
    aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.

Kung ang mga magnanakaw ay pumaroon sa iyo,
    kung ang mga manloloob sa gabi—
    gaano ka winasak!—
    di ba sila'y magnanakaw lamang ng sapat sa kanila?
Kung ang mga mamimitas ng ubas ay pumaroon sa iyo,
    di ba sila'y mag-iiwan ng laglag na ubas?
O paanong si Esau ay nilooban,
    hinanap ang kanyang mga kayamanan!
Lahat ng lalaking iyong kakampi ay dadalhin ka sa hangganan;
    ang mga kasamahan mo na kasunod mo ay dadayain ka at dadaigin ka.
Ang mga kumakain ng iyong tinapay ay tatambangan ka—
    walang pagkaunawa sa kanya.
Di ko ba lilipulin sa araw na iyon, sabi ng Panginoon,
    ang mga taong pantas mula sa Edom,
    at ang pagkaunawa mula sa bundok ng Esau?
At ang iyong mga makapangyarihang tao ay mababalisa, O Teman,
    upang ang bawat tao ay maalis sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng pagkatay.

Bakit pa Pinarusahan ang Edom

10 Dahil sa karahasang ginawa sa iyong kapatid na Jacob
    ay kahihiyan ang tatakip sa iyo,
    at ikaw ay aalisin magpakailanman.
11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa malayo,
    nang araw na dalhin ng mga dayuhan ang kanyang kayamanan,
at pumasok ang mga dayuhan sa kanyang mga pintuan
    at pinagpalabunutan ang Jerusalem,
    ikaw ay naging gaya ng isa sa kanila.
12 Huwag ka ngang matuwa sa araw ng iyong kapatid
    sa araw ng kanyang kapahamakan,
huwag kang magalak dahil sa mga anak ni Juda,
    sa araw ng kanilang pagkawasak;
hindi ka sana nagmalaki sa araw ng pagkabalisa.
13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan
    sa araw ng kanilang kapahamakan;
oo, huwag kang matuwa sa kanyang pagkapahamak
    sa araw ng kanilang kasakunaan,
huwag kang magnakaw ng kanilang kayamanan
    sa araw ng kanilang kapahamakan.
14 Huwag kang tumayo sa mga sangandaan
    upang puksain ang kanyang mga takas;
huwag ibilanggo ang kanyang mga nalabi
    sa araw ng kabalisahan.

Read full chapter

“Inibig(A) (B) ko kayo,” sabi ng Panginoon. Gayunma'y inyong sinasabi, “Paano mo kami inibig?” “Hindi ba si Esau ay kapatid ni Jacob?” sabi ng Panginoon. “Gayunma'y inibig ko si Jacob.

Ngunit si Esau ay aking kinamuhian, at ginawa ko ang kanyang mga bundok na isang kasiraan at ibinigay ko ang kanyang mana sa mga asong palaboy sa ilang.”

Kung sinasabi ng Edom, “Kami'y nawasak, ngunit muli naming itatayo ang mga guho,” ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: “Maaari silang magtayo ngunit aking ibabagsak hanggang sila'y tawaging masamang lupain, galit ang Panginoon sa bayang ito magpakailanman.”

Makikita ng sarili ninyong mga mata, at inyong sasabihin, “Dakila ang Panginoon hanggang sa kabilang hangganan ng Israel.”

Read full chapter