Add parallel Print Page Options

10 Hindi(A) na magniningning
    ang liwanag ng mga bituin sa kalangitan,
magiging madilim ang araw sa pagsikat,
    pati ang buwan ay hindi na magsasabog ng liwanag.

Read full chapter
'Isaias 13:10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Pagparito ng Anak ng Tao(A)

29 “Pagkatapos(B) ng kapighatian sa mga araw na iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan.

Read full chapter

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)

29 “At (B) kasunod agad ng kapighatian sa mga araw na iyon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig.

Read full chapter

Ang Pagbabalik ng Anak ng Tao(A)

24 “Subalit(B) sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, 25 malalaglag(C) mula sa langit ang mga bituin, at magugulo ang mga kapangyarihan sa kalawakan.

Read full chapter

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)

24 “Ngunit (B) pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw at hindi magliliwanag ang buwan, 25 at (C) malalaglag ang mga bituin mula sa kalangitan, at mayayanig ang mga panlangit na kapangyarihan.

Read full chapter

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)

25 “Magkakaroon(B) ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat.

Read full chapter

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)

25 “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. At sa lupa, mababagabag ang mga bansa at ikalilito nila ang ugong at daluyong ng dagat.

Read full chapter

12 Nang(A) alisin ng Kordero ang pang-anim na selyo, lumindol nang malakas, ang araw ay nagdilim na kasing itim ng damit panluksa at ang buwan ay naging kasimpula ng dugo. 13 Nalaglag(B) mula sa langit ang mga bituin na parang mga bubot na bunga ng igos kapag hinahampas ng malakas na hangin.

Read full chapter

12 (A) Nang buksan ng Kordero ang ikaanim na tatak, tumingin ako, at nagkaroon ng malakas na lindol, naging itim ang araw na tulad ng damit-panluksa, at naging parang dugo ang buwang kabilugan; 13 (B) at ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa tulad ng puno ng igos na naglalaglag ng bubot na bunga kapag niyuyugyog ng malakas na hangin.

Read full chapter

12 Hinipan(A) ng ikaapat na anghel ang kanyang trumpeta at napinsala ang ikatlong bahagi ng araw, ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng mga bituin, kaya't nawala ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag. Nagdilim ang ikatlong bahagi ng maghapon, at walang tumanglaw sa ikatlong bahagi ng magdamag.

Read full chapter

12 Hinipan (A) ng ikaapat na anghel ang kanyang trumpeta, at tinamaan ang ikatlong bahagi ng araw, ng buwan, at ng mga bituin, kaya't nagdilim ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag. Nabawasan din ang ikatlong bahagi ng liwanag at ang maghapon at magdamag.

Read full chapter