Add parallel Print Page Options

At(A) ang asong-gubat ay maninirahang kasama ng kordero,
    at mahihigang kasiping ng batang kambing ang leopardo,
ang guya, ang batang leon, at ang patabain ay magkakasama;
    at papatnubayan sila ng munting bata.
Ang baka at ang oso ay manginginain;
    ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping;
    at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.
Ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas,
    at ang batang kahihiwalay sa suso ay isusuot ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong.
Hindi(B) sila mananakit o maninira man
    sa aking buong banal na bundok:
sapagkat ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon,
    gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.

Read full chapter