Add parallel Print Page Options

Hoy,(A) taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit,
    siyang tungkod ng aking poot!
Aking susuguin siya laban sa isang masamang bansa,
    at laban sa bayan na aking kinapopootan ay inuutusan ko siya,
upang manamsam at manunggab,
    at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan.
Gayunma'y hindi niya inaakalang gayon,
    at hindi gayon ang iniisip ng kanyang puso;
ngunit ang nasa kanyang puso ang mangwasak,
    at lipulin ang mga bansa na hindi kakaunti.
Sapagkat kanyang sinasabi,
“Hindi ba ang aking mga punong-kawal ay haring lahat?
Hindi ba ang Calno ay gaya ng Carquemis?
    Hindi ba ang Hamat ay gaya ng Arpad?
    Hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco?
10 Kung paanong nakaabot ang aking kamay hanggang sa mga kaharian ng mga diyus-diyosan,
    na ang mga larawan nilang inanyuan ay mas marami kaysa Jerusalem at sa Samaria;
11 hindi ko ba gagawin sa Jerusalem at sa kanyang mga diyus-diyosan,
    ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kanyang mga diyus-diyosan?”

12 Kaya't kapag naisagawa ng Panginoon ang lahat niyang gawain sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, kanyang parurusahan ang palalong paghahambog ng hari ng Asiria, at ang kanyang mga mapagmataas na kapalaluan.

13 Sapagkat kanyang sinabi:

“Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay
    at sa aking karunungan, sapagkat ako'y may pang-unawa;
aking inalis ang mga hangganan ng mga tao,
    at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan,
    at parang matapang na toro na ibinaba ko ang mga nakaupo sa mga trono.
14 At natagpuan ng aking kamay na parang pugad
    ang mga kayamanan ng mga tao;
kaya't aking pinulot ang buong lupa
    na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan,
at walang nagkilos ng pakpak,
    o nagbuka man ng bibig o sumiyap.”

15 Magmamapuri ba ang palakol laban sa gumagamit niyon?
    O magmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyon?
Na parang dapat itaas ng pamalo ang nagtataas niyon,
    o na parang dapat itaas ng tungkod siya na hindi kahoy.
16 Kaya't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo,
    ay magpaparating ng nakapanghihinang karamdaman sa kanyang matatabang mandirigma
at sa ilalim ng kanyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas
    na gaya ng ningas ng apoy.
17 At ang liwanag ng Israel ay magiging apoy,
    at ang kanyang Banal ay pinakaliyab;
at susunugin at lalamunin nito
    ang kanyang mga tinikan at mga dawag sa isang araw.
18 At kanyang wawasakin ang kaluwalhatian ng kanyang gubat,
    at ng kanyang mabungang lupain,
    ang kaluluwa at gayundin ang katawan; at magiging gaya ng maysakit na nanghihina.
19 At ang nalabi sa mga punungkahoy ng kanyang gubat ay mangangaunti,
    na ang mga iyon ay kayang bilangin ng bata.

20 At sa araw na iyon, ang nalabi sa Israel at ang nakatakas sa sambahayan ni Jacob, hindi na magtitiwala pa uli sa kanya na nanakit sa kanila; kundi magtitiwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan.

21 Ang isang nalabi ay babalik, ang nalabi ng Jacob, sa makapangyarihang Diyos.

22 Sapagkat(B) bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, tanging ang nalabi lamang sa kanila ang babalik. Ang pagkawasak ay naiutos na, na inaapawan ng katuwiran.

23 Sapagkat ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay gagawa ng lubos na kawakasan, gaya ng inuutos, sa gitna ng buong lupa.

Sumama rin ang Asiria

24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, “O bayan kong tumatahan sa Zion, huwag kayong matakot sa taga-Asiria kapag kayo ay sinaktan ng pamalo at itaas ang kanyang tungkod laban sa iyo, gaya ng ginawa ng mga Ehipcio.

25 Sapagkat kaunting panahon na lamang at ang aking pagkagalit ay matatapos na, at ang aking galit ay matutuon sa kanilang ikawawasak.

26 Ang Panginoon ng mga hukbo ay hahawak ng panghampas laban sa kanila, gaya nang kanyang paluin ang Midian sa bato ng Oreb. At ang kanyang panghampas ay aabot sa dagat, at kanyang itataas na gaya ng kanyang ginawa sa Ehipto.

27 At sa araw na iyon, ang pasan niya ay mawawala sa iyong balikat, at ang kanyang pamatok ay mawawasak mula sa iyong leeg.”

Siya ay umahon mula sa Rimon.
28     Siya'y dumating sa Ajad,
siya'y nagdaan sa Migron;
    itinabi niya sa Micmash ang kanyang mga dala-dalahan.
29 Sila'y nakatawid sa landas;
    sila'y nagpalipas ng gabi sa Geba.
Ang Rama ay nanginginig;
    ang Gibea ni Saul ay tumakas.
30 Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Galim!
    Makinig ka, O Lais!
    Sagutin mo siya, O Anatot!
31 Ang Madmena ay nasa pagtakas,
    ang mga nananahan sa Gebim ay nagsisitakas upang maligtas.
32 Sa araw ding ito ay titigil siya sa Nob;
    kanyang kakalugin ang kanyang kamao
    sa bundok ng anak na babae ng Zion,
    na burol ng Jerusalem.

33 Tingnan mo, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo,
    ang mga sanga sa pamamagitan ng kakilakilabot na kapangyarihan,
at ang napakataas ay ibubuwal
    at ang matatayog ay ibababa.
34 Kanyang puputulin ang mga sukal ng gubat sa pamamagitan ng palakol,
    at ang Lebanon at ang maharlika nitong mga puno ay babagsak.

Read full chapter

Nagmalasakit si Nehemias sa Jerusalem

Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hacalias.

Sa buwan ng Chislev, nang ikadalawampung taon, samantalang ako'y nasa Susa na siyang kabisera,[a]

si Hanani, isa sa aking mga kapatid, ay dumating na kasama ang ilang lalaki mula sa Juda. Tinanong ko sila tungkol sa mga Judio na natirang buháy, na nakatakas sa pagkabihag, at tungkol sa Jerusalem.

Sinabi nila sa akin, “Ang mga natirang buháy sa lalawigan na nakatakas sa pagkabihag ay nasa isang malubhang kalagayan at kahihiyan. Ang pader ng Jerusalem ay wasak at ang mga pintuan nito ay natupok ng apoy.”

Nang marinig ko ang mga salitang ito, ako'y umupo, umiyak, at tumangis nang ilang araw; at ako'y nagpatuloy sa pag-aayuno at pananalangin sa harapan ng Diyos ng langit.

Aking sinabi “O, Panginoong Diyos ng langit, ang dakila at kasindak-sindak na Diyos, na nag-iingat ng tipan at ng tapat na pag-ibig sa mga umiibig sa kanya, at nag-iingat ng kanyang mga utos;

makinig ka sana ngayon at imulat ang iyong mga mata upang makinig sa dalangin ng iyong lingkod, na aking idinadalangin ngayon sa harap mo araw at gabi para sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod. Aking ipinahahayag ang mga kasalanan ng mga anak ni Israel, na aming nagawa laban sa iyo. Ako at ang aking sambahayan ay nagkasala.

Napakasama ng aming nagawa laban sa iyo, at hindi namin iningatan ang mga utos, mga tuntunin, o ang mga batas na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises.

Alalahanin(A) mo ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises, na sinasabi, ‘Kapag kayo'y hindi tapat, ikakalat ko kayo sa lahat ng mga bayan;

ngunit(B) kung kayo'y manumbalik sa akin, at ingatan ninyo ang aking mga utos at gawin ang mga ito, bagaman ang inyong pagkawatak-watak ay nasa kadulu-duluhang bahagi ng mga langit, aking titipunin sila mula roon at dadalhin ko sila sa lugar na aking pinili upang patirahin doon ang aking pangalan.’

10 Ang mga ito ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan, na tinubos mo sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay.

11 O Panginoon, pakinggan mo nawa ang panalangin ng iyong lingkod na nalulugod na igalang ang iyong pangalan. Pagtagumpayin mo ngayon ang iyong lingkod, at pagkalooban mo siya ng kaawaan sa paningin ng lalaking ito.”

Noon ay tagapagdala ako ng kopa ng hari.

Nagtungo si Nehemias sa Jerusalem

Sa buwan ng Nisan, nang ikadalawampung taon ni Artaxerxes na hari, samantalang mayroong alak sa harapan niya, kinuha ko ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi pa ako naging malungkot nang gayon sa kanyang harapan.

At sinabi ng hari sa akin, “Bakit malungkot ang iyong mukha, samantalang wala ka namang sakit? Ito'y walang iba kundi kalungkutan ng puso.” Nang magkagayo'y lubha akong natakot.

Sinabi(C) ko sa hari, “Mabuhay ang hari magpakailanman! Bakit hindi malulungkot ang aking mukha, gayong ang lunsod, ang lugar ng mga libingan ng aking mga ninuno ay giba, at ang mga pintuan nito ay natupok ng apoy?”

Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa akin, “Ano ang iyong kahilingan?” Kaya't ako'y nanalangin sa Diyos ng langit.

Sinabi ko sa hari, “Kung ikakalugod ng hari at kung ang iyong lingkod ay nakatagpo ng biyaya sa iyong paningin, suguin mo ako sa Juda, sa lunsod ng libingan ng aking mga ninuno, upang aking muling maitayo ito.”

Sinabi ng hari sa akin, (ang reyna ay nakaupo sa tabi niya), “Gaano katagal kang mawawala, at kailan ka babalik?” Sa gayo'y ikinalugod ng hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kanya ng panahon.

Sinabi ko naman sa hari, “Kung ikakalugod ng hari, bigyan sana ako ng mga sulat para sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, upang ako'y kanilang paraanin hanggang sa ako'y makarating sa Juda;

at isang sulat para kay Asaf na tagapag-ingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga troso upang gawing mga biga sa mga pintuan ng kuta ng templo at para sa pader ng lunsod at sa bahay na aking papasukan.” Ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking hiniling, sapagkat ang mabuting kamay ng aking Diyos ay nasa akin.

At ako'y pumunta sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Ang hari ay nagsugo na kasama ko ang mga punong-kawal ng hukbo at mga mangangabayo.

10 Subalit nang mabalitaan ito ni Sanballat na Horonita at ni Tobias na lingkod na Ammonita, ikinayamot nila nang husto na may isang dumating para sa kapakanan ng mga anak ni Israel.

11 Kaya't dumating ako sa Jerusalem at tumigil doon sa loob ng tatlong araw.

12 Kinagabihan, bumangon ako at ang ilang lalaking kasama ko. Wala akong pinagsabihan kung ano ang inilagay ng aking Diyos sa aking puso upang gawin para sa Jerusalem. Wala akong kasamang hayop maliban sa hayop na aking sinakyan.

13 Kinagabihan, ako'y lumabas sa Pintuan ng Libis tungo sa Balon ng Dragon at sa Pintuan ng Dumi, at aking siniyasat ang mga pader ng Jerusalem na winasak at ang mga pintuan nito na tinupok ng apoy.

14 Pagkatapos ay nagtungo ako sa Pintuan ng Bukal at sa Tipunan ng Tubig ng hari; ngunit walang madaanan ang hayop na sinasakyan ko.

15 Kinagabihan, ako'y umahon sa libis at siniyasat ang pader. Pagkatapos ako'y bumalik at pumasok sa Pintuan ng Libis; gayon ako bumalik.

16 Hindi nalaman ng mga pinuno kung saan ako nagpunta, o kung ano ang ginagawa ko. Hindi ko pa sinasabi sa mga Judio, sa mga pari, sa mga maharlika, sa mga pinuno, at sa iba pang gagawa ng gawain.

17 Pagkatapos ay sinabi ko sa kanila, “Nakikita ninyo ang magulong kalagayan natin, kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuan nito ay nasunog. Halikayo, itayo natin ang pader ng Jerusalem upang hindi na tayo magdanas ng kahihiyan.”

18 Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa kamay ng aking Diyos na naging mabuti sa akin, at gayundin ang mga salitang sinabi sa akin ng hari. At kanilang sinabi, “Magsimula na tayong magtayo.” Kaya't itinalaga nila ang kanilang mga sarili para sa ikabubuti ng lahat.

19 Ngunit nang ito'y mabalitaan nina Sanballat na Horonita, ni Tobias na lingkod na Ammonita, at ni Gesem na taga-Arabia, kanilang pinagtawanan at hinamak kami at sinabi, “Ano itong bagay na inyong ginagawa? Naghihimagsik ba kayo laban sa hari?”

20 Nang magkagayo'y sumagot ako sa kanila, “Pagtatagumpayin kami ng Diyos ng langit at kaming mga lingkod niya ay magsisimula nang magtayo; ngunit kayo'y walang bahagi, o karapatan, o alaala man sa Jerusalem.”

Muling Itinayo ang Pader ng Jerusalem

Nang magkagayo'y si Eliasib na pinakapunong pari ay tumayong kasama ng kanyang mga kasamahang pari at kanilang itinayo ang Pintuan ng mga Tupa. Ito ay kanilang itinalaga at inilagay ang mga pinto niyon; kanilang itinalaga ito hanggang sa Tore ng Sandaan at hanggang sa Tore ng Hananel.

Kasunod niya ay nagtayo ang mga lalaki ng Jerico. At kasunod nila ay nagtayo si Zacur na anak ni Imri.

Ang Pintuan ng mga Isda ay itinayo ng mga anak ni Senaa; kanilang inilapat ang mga biga nito, at inilagay ang mga pinto, mga kandado, at ang mga halang.

Kasunod nila ay nagkumpuni si Meremot na anak ni Urias, na anak ni Hakoz. At kasunod nila ay nagkumpuni si Mesulam, na anak ni Berequias, na anak ni Mesezabel. At kasunod nila ay nagkumpuni si Zadok na anak ni Baana.

Kasunod nila ay nagkumpuni ang mga Tekoita; ngunit hindi inilagay ng kanilang mga maharlika ang kanilang mga leeg sa gawain ng kanilang mga panginoon.

Ang Matandang Pintuan ay kinumpuni nina Joiada na anak ni Pasea at ni Mesulam na anak ni Besodias; kanilang inilapat ang mga biga nito, at inilagay ang mga pinto, mga kandado, at ang mga halang niyon.

Kasunod nila ay nagkumpuni sina Melatias na Gibeonita, Jadon na Meronotita, at ang mga lalaking taga-Gibeon at taga-Mizpa, na nasa ilalim ng pamamahala ng gobernador ng lalawigan sa kabila ng Ilog.

Kasunod nila ay nagkumpuni si Uziel na anak ni Harhaias na panday-ginto. At kasunod nila ay nagkumpuni si Hananias na isa sa mga gumagawa ng pabango, at kanilang muling itinayo ang Jerusalem hanggang sa Maluwang na Pader.

Kasunod nila ay nagkumpuni si Refaias na anak ni Hur, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem.

10 Kasunod nila ay nagkumpuni si Jedias na anak ni Harumaf, sa tapat ng kanyang bahay. At kasunod niya ay nagkumpuni si Hatus na anak ni Hashabneias.

11 Ang ibang bahagi at ang Tore ng mga Pugon ay kinumpuni nina Malkia na anak ni Harim at Hashub na anak ni Pahat-moab.

12 Kasunod nila ay nagkumpuni si Shallum na anak ni Hallohes, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem, siya at ang kanyang mga anak na babae.

13 Kinumpuni ni Hanun at ng mga mamamayan ng Zanoa ang Pintuan ng Libis; muli nila itong itinayo at inilagay ang mga pinto, mga kandado, at mga halang niyon, at kinumpuni ang isang libong siko ng pader, hanggang sa Pintuan ng Dumi.

14 Ang Pintuan ng Dumi ay kinumpuni ni Malkia na anak ni Recab, na pinuno ng distrito ng Bet-hacquerim; muli niya itong itinayo at inilagay ang mga pinto, mga kandado, at ang mga halang niyon.

15 Ang Pintuan ng Bukal ay kinumpuni ni Shallum na anak ni Colhoze, na pinuno ng distrito ng Mizpa; muli niya itong itinayo at tinakpan, inilagay ang mga pinto, kandado, at mga halang niyon. Kanyang ginawa ang pader ng Tipunan ng Tubig ng Shela sa tabi ng halamanan ng hari, hanggang sa mga baytang na paibaba mula sa lunsod ni David.

16 Pagkatapos niya ay nagkumpuni si Nehemias na anak ni Azbuk, na pinuno ng kalahating distrito ng Bet-zur, hanggang sa dakong katapat ng mga libingan ni David, hanggang sa tipunan ng tubig na gawa ng tao, at hanggang sa bahay ng mga mandirigma.

Mga Levitang Gumawa sa Pader

17 Kasunod niya ay nagkumpuni ang mga Levita: si Rehum na anak ni Bani. Kasunod niya, si Hashabias na pinuno ng kalahating distrito ng Keila ay nagkumpuni para sa kanyang distrito.

18 Kasunod niya ay nagkumpuni ang kanilang mga kapatid: si Binui na anak ni Henadad, na pinuno ng kalahating distrito ng Keila.

19 Kasunod niya ay kinumpuni ni Eser na anak ni Jeshua, na pinuno ng Mizpa, ang ibang bahagi sa tapat ng gulod sa taguan ng mga sandata sa pagliko.

Footnotes

  1. Nehemias 1:1 o palasyo .