Add parallel Print Page Options

Nang ikaapat na araw, maaga silang bumangon para magkasamang umuwi. Pero sinabi ng ama ng babae sa manugang niya, “Kumain muna kayo bago umalis.” Kaya kumain silang dalawa. Pagkatapos, sinabi ng ama ng babae, “Dito muna kayo magpalipas ng gabi dahil magsasaya tayo.” Hindi sana siya papayag pero pinilit siya ng biyenang lalaki, kaya nanatili na lang sila.

Read full chapter