Add parallel Print Page Options

18 Labis ang pagkauhaw ni Samson. Kaya tumawag siya sa Panginoon. Sinabi niya, “Pinagtagumpay nʼyo po ako, pero ngayon parang mamamatay na ako sa uhaw at mabibihag ng mga Filisteo na hindi nakakakilala sa inyo.”[a] 19 Kaya pinalabas ng Dios ang tubig sa may butas ng lupa sa Lehi. Uminom si Samson at bumalik ang kanyang lakas. Ang bukal na itoʼy tinatawag na En Hakore.[b] Naroon pa ito sa Lehi hanggang ngayon.

20 Pinamunuan ni Samson ang mga Israelita sa loob ng 20 taon. Nang panahong iyon, sakop pa rin ng mga Filisteo ang kanilang lupain.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:18 hindi … inyo: sa literal, hindi tuli.
  2. 15:19 En Hakore: Ang ibig sabihin, Bukal ng Tumatawag.