Add parallel Print Page Options

14 Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae kapag sila'y naging bayarang babae
ni ang inyong mga manugang na babae kapag sila'y nangangalunya;
sapagkat ang mga lalaki mismo ay humahayo kasama ng bayarang babae
    at sila'y naghahandog ng mga alay kasama ang mga bayarang babae sa templo.
    at ang bayang walang pang-unawa ay mawawasak.

15 Bagaman ikaw, O Israel, ay naging bayarang babae,[a]
    huwag hayaang magkasala ang Juda.
Huwag kayong pumunta sa Gilgal,
    ni sumampa man sa Bet-haven,
    at huwag kayong sumumpa, “Habang nabubuhay ang Panginoon.”
16 Sapagkat ang Israel ay matigas ang ulo,
    gaya ng isang guyang babae na matigas ang ulo
mapapakain ba ngayon sila ng Panginoon
    tulad ng batang tupa sa isang malawak na pastulan?

Read full chapter

Footnotes

  1. Hoseas 4:15 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .