Add parallel Print Page Options

Ang propeta'y siyang bantay sa Efraim, ang bayan ng aking Diyos,
    ngunit may bitag na laging sa kanya'y nakaumang,
    at kinapopootan siya maging sa templo ng kanyang Diyos.
Nagpakasamang(A) lubha ang aking bayan
    gaya ng nangyari sa Gibea.
Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan,
    at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.

Ang Kasalanan ng Israel at ang mga Resulta Nito

10 “Ang(B) Israel ay tulad ng mga ubas sa ilang,
    gayon sila noong una kong matagpuan.
Parang unang bunga ng puno ng igos,
    nang makita ko ang iyong mga magulang.
Ngunit nang magpunta sila sa Baal-peor,
    sila'y naglingkod sa diyus-diyosang si Baal,
    at naging kasuklam-suklam gaya ng diyus-diyosang kanilang inibig.

Read full chapter