Add parallel Print Page Options

14 Pero hindi ko sila parurusahan sa kanilang ginagawang masama, dahil kayong mga lalaki ay nakikipagsiping din sa mga babaeng bayaran sa templo at kasama pa nilang naghahandog sa mga dios-diosan. Kaya dahil kayoʼy mga mangmang sa katotohanan, mapapahamak kayo.

15 “Mga taga-Israel, kahit na akoʼy tinalikuran ninyo tulad ng babaeng nangalunya, huwag na ninyong idamay ang mga taga-Juda.

“At kayong mga taga-Juda, huwag kayong pumunta sa Gilgal at sa Bet Aven[a] para sumamba sa akin o gumawa ng mga pangako sa aking pangalan. 16 Sapagkat matigas ang ulo ng mga taga-Israel katulad ng dumalagang baka na ayaw sumunod. Kaya paano ko sila mababantayan tulad ng mga tupang nasa pastulan?

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:15 Bet Aven: Ang ibig sabihin, bahay ng kasamaan. Ito ang tawag sa lugar ng Betel bilang pagkutya. Ang ibig sabihin ng Betel ay “bahay ng Dios.”