Add parallel Print Page Options

“Kaya tawagin ninyo ang inyong kapwa Israelita na ‘Aking mga mamamayan’[a] at ‘Kinaawaan.’ ”[b]

Sumama sa Ibang Lalaki si Gomer

Mga anak, sawayin ninyo ang inyong ina dahil iniwan na niya ako na kanyang asawa. Sabihin ninyo na dapat tigilan na niya ang pangangalunya. Kung hindi siya titigil ay huhubaran ko siya, at ang kahubaran niya ay gaya noong siya ay isinilang. Gagawin ko siyang parang disyerto o ilang, at pababayaang mamatay sa uhaw.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:1 Aking mga mamamayan: sa Hebreo, Ami.
  2. 2:1 Kinaawaan: sa Hebreo, Ruhama.