Add parallel Print Page Options

Ang Pag-ibig ng Dios sa Israel

11 Sinabi ng Panginoon, “Minahal ko ang Israel noong kabataan niya.[a] Itinuring ko siyang anak at tinawag ko siya mula sa Egipto.[b] Pero ngayon, kahit na patuloy kong[c] tinatawag ang mga mamamayan ng Israel, lalo pa silang lumayo sa akin.[d] Naghahandog sila at nagsusunog ng mga insenso sa dios-diosang si Baal. Ako ang nag-alaga sa kanila. Inakay ko sila[e] at tinuruang lumakad, pero hindi nila kinilala na ako ang kumalinga[f] sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:1 noong kabataan niya: Ito ang panahon na nasa disyerto o nasa Egipto ang Israel.
  2. 11:1 Itinuring … mula sa Egipto: o, Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.
  3. 11:2 kong: Ito ang nasa ibang mga teksto ng Septuagint. Sa Hebreo, nila.
  4. 11:2 akin: Ito ang nasa ibang mga teksto ng Septuagint. Sa Hebreo, kanila.
  5. 11:3 sila: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 8, 9 at 12. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
  6. 11:3 kumalinga: sa literal, nagpagaling.