Add parallel Print Page Options

10 Tayo ay may isang dambana. Ang mga saserdote na naglilingkod sa makalupang tabernakulo ay walang kara­patang kumain dito.

11 Sapagkat ang pinakapunong-saserdote ay nagdala ng dugo ng hayop sa kabanal-banalang dako bilang isang hain para sa kasalanan. Kapag ginagawa nila ito, sinusunog nila ang katawan ng mga hayop sa labas ng kampamento. 12 Kaya nga, gayundin naman kay Jesus, ng mapaging-banal niya ang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang dugo, naghirap siya sa labas ng tarangkahan ng lungsod.

Read full chapter