Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa Pagtanggi sa Diyos

14 Sikapin ninyong mamuhay ng may kapayapaan at kaba­nalan sa lahat ng tao, dahil walang sinumang makakakita sa Panginoon kung wala ito.

15 Mag-ingat kayo baka mayroong magkulang sa biyaya ng Diyos. Ingatan ninyo na baka may sumibol na ugat ng sama ng loob na siyang dahilan ng kaguluhan at sa pamamagitan nito ay nadudungisan ang marami. 16 Tiyakin ninyo na walang matagpuan sa inyo na taong imoral o mapaglapastangan tulad ni Esau na kaniyang ipinagbili ang karapatang magmana bilang panganay na anak na lalaki dahil sa isang pagkain.

Read full chapter