Add parallel Print Page Options

30 Sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, ang mga pader ng lungsod ng Jerico ay bumagsak pagkatapos nilang mapaikutan ang lungsod sa loob ng pitong araw.

31 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Rahab na isang patutot ay hindi napahamak na kasama ng mga masuwayin dahil tinanggap niya ang mga tiktik na may kapayapaan.

32 Ano pa ang aking masasabi? Sapagkat kukulangin ako ng panahon upang sabihin pa sa inyo ang patungkol kay Gideon, Barak, Samson, Jefta, o ang patungkol kay David at Samuel at mga propeta.

Read full chapter