Add parallel Print Page Options

26 Itinuring niya na ang mga kahihiyan ng Mesiyas ay higit na malaking kayamanan kaysa sa maangkin niya ang mga mahahalagang bagay at kayamanan sa Egipto. Sapagkat nakatuon ang kaniyang mga mata sa gantimpalang darating. 27 Sa pamamagitan ng pananam­palataya ay kaniyang iniwan ang Egipto. Hindi siya natakot sa poot ng hari. Sapagkat matatag ang kaniyang kalooban dahil waring nakita na niya yaong hindi nakikita. 28 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay ginanap niya ang paglampas at pagpahid ng dugo upang huwag siyang hipuin ng namumuksa ng mga panganay.

Read full chapter