Add parallel Print Page Options

Ito ang sinabi ng Dios tungkol sa mga anghel:

    “Ang mga anghel ay magagawa kong hangin.
    Sila na mga lingkod ko ay magagawa ko ring nagliliyab na apoy.”[a]

Ngunit ito naman ang sinabi ng Dios tungkol sa kanyang Anak:

    “O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran.
Kinalugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamuhian mo ang gumagawa ng masama.
    Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:7 Salmo 104:4.
  2. 1:9 Salmo 45:6-7.