Add parallel Print Page Options

Siya ang kaliwanagan ng kaluwalhatian ng Ama at ang ganap na kapahayagan ng pagka-Diyos ng Ama. Siya ang humahawak ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan. Pagkatapos niyang gawin ang paglilinis sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kanan ng Kamahalan sa kaitaasang dako. Yamang siya ay higit pang dakila sa mga anghel, ang pangalan na kaniyang minana ay higit pa kaysa sa kanilang pangalan.

Alin sa mga anghel ang kailanman ay pinagsabihan ng ganito:

Ikaw ay ang aking Anak at sa araw na ito ay ipinanganak kita.

At muli niyang sinabi:

Ako ang magiging Ama sa kaniya at siya ay magiging Anak sa akin.

Read full chapter