Add parallel Print Page Options

12 Nang magkagayo'y si Zerubabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Jehozadak, na pinakapunong pari, pati ang lahat ng nalabi sa bayan, ay sumunod sa tinig ng Panginoon nilang Diyos, at sa mga salita ni propeta Hagai, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Diyos; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.

Read full chapter

Ang Pangako ng Diyos kay Zerubabel

Sinabi(A) niya sa akin, “Ito ang salita ng Panginoon kay Zerubabel, na sinasabi: Hindi sa pamamagitan ng lakas, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ano ka, O malaking bundok? Sa harapan ni Zerubabel ay magiging kapatagan ka; at kanyang ilalagay ang pangunahing bato na may pagsisigawan ng, ‘Biyaya, biyaya sa kanya.’”

Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon na sinasabi:

“Ang mga kamay ni Zerubabel ay siyang naglagay ng pundasyon ng bahay na ito; ang kanyang mga kamay ay siya ring tatapos nito. At malalaman mo na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.

Read full chapter