Add parallel Print Page Options

“ ‘Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng mga bahay[a] sa pamamagitan ng perang nakuha ninyo sa masamang paraan. Pinatitibay ninyo ang inyong mga bahay upang makaligtas kayo kapag dumating ang kapahamakan. 10 Dahil sa pagpatay ninyo ng maraming tao, kayo rin ay papatayin at wawasakin ang inyong mga bahay.[b] 11 Ang mga bato ng pader at ang mga biga ng bahay ay parang tao na hihingi ng tulong dahil mawawasak na ang buong bahay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:9 nagpapatayo … bahay: o, nagpapalago ng kaharian.
  2. 2:10 bahay: o, kaharian.