Add parallel Print Page Options

Pumunta ang ama ni Shekem na si Hamor kay Jacob para makipag-usap.

Nang mabalitaan ng mga anak ni Jacob ang nangyari, umuwi sila agad mula sa bukid. Sumama ang loob nila at labis na nagalit kay Shekem dahil sa ginawa niyang hindi nararapat, na nagdala ng kahihiyan sa pamilya ni Jacob.[a]

Pero sinabi ni Hamor sa kanila, “Nabighani ang anak kong si Shekem sa dalaga ninyo, kaya nakikiusap akong payagan ninyong mapangasawa siya ng anak ko.

Read full chapter

Footnotes

  1. 34:7 pamilya ni Jacob: sa literal, mga Israelita.