Add parallel Print Page Options

11 Pagkatapos,(A) binulag nila ang mga tao sa labas kaya't hindi makita ng mga ito ang pinto.

Iniwan ni Lot ang Sodoma

12 Sinabi ng dalawang panauhin kay Lot, “Magmadali ka! Isama mong lahat ang iyong mga anak at iba pang kamag-anak na nakatira sa lunsod na ito. Umalis na kayo rito, 13 sapagkat gugunawin na namin ang lunsod na ito! Pinakinggan ni Yahweh ang mabibigat na sumbong laban sa mga taga-Sodoma at pinapunta kami ni Yahweh upang wasakin ang lunsod na ito.”

Read full chapter