Font Size
Genesis 14:17-20
Ang Biblia, 2001
Genesis 14:17-20
Ang Biblia, 2001
Binasbasan ni Melquizedek si Abram
17 Siya'y sinalubong ng hari ng Sodoma pagkatapos na siya'y bumalik mula sa pagkatalo ni Kedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari).
18 At(A) si Melquizedek, hari ng Salem na pari ng Kataas-taasang Diyos,[a] ay naglabas ng tinapay at alak.
19 Siya'y kanyang binasbasan na sinabi, “Pagpalain si Abram ng Kataas-taasang Diyos, na lumikha ng langit at ng lupa;
20 at purihin ang Kataas-taasang Diyos, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay.” At binigyan siya ni Abram ng ikasampung bahagi ng lahat.
Read full chapterFootnotes
- Genesis 14:18 Sa Hebreo ay El-Elyon .