Add parallel Print Page Options

Ang mga Lahi ni Tera

27 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Tera:

Si Tera ang ama nina Abram, Nahor at Haran. Si Haran ang ama ni Lot. 28 Namatay si Haran doon sa Ur na sakop ng mga Caldeo,[a] sa lugar mismo kung saan isinilang siya. Namatay siya habang buhay pa ang ama niyang si Tera. 29 Naging asawa ni Abram si Sarai, at si Nahor ay naging asawa ni Milca. Ang ama ni Milca at ng kapatid niyang si Isca ay si Haran.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:28 Caldeo: Mga taong nakatira noon sa timog ng Babilonia. Nang bandang huli, naging Caldeo ang tawag sa mga taga-Babilonia.