Add parallel Print Page Options

Ang mga Hari ng Edom(A)

31 Ito ang mga hari ng Edom noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:

32 Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.

33 Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra.

34 Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman.

35 Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang tumalo sa mga Midianita roon sa Moab.

36 Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka.

37 Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa ilog.[a]

38 Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor.

39 Pagkamatay ni Baal Hanan na anak ni Acbor, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Me-Zahab.

40-43 Si Esau (na tinatawag ding Edom) ang pinagmulan ng mga Edomita. At ito ang mga naging pinuno sa mga lahi ni Esau na ang angkan at lupain ay ipinangalan sa kanila: Timna, Alva, Jetet, Oholibama, Elah, Pinon, Kenaz, Teman, Mibzar, Magdiel, at Iram.

Read full chapter

Footnotes

  1. 36:37 ilog: o, Ilog ng Eufrates.