Add parallel Print Page Options

Namatay si Raquel

16 Umalis sila sa Bethel. Nang sila'y malapit na sa Efrata, naramdaman ni Raquel na manganganak na siya at napakatindi ng kanyang hirap. 17 Sinabi sa kanya ng hilot, “Huwag kang matakot, lalaki na naman ang isisilang mo.” 18 Nasa bingit na siya ng kamatayan, at bago siya nalagutan ng hininga, ang sanggol ay tinawag niyang Benoni,[a] ngunit Benjamin[b] naman ang ipinangalan ni Jacob.

19 Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daang patungo sa Efrata na ngayon ay Bethlehem.

Read full chapter

Footnotes

  1. 18 BENONI: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “anak ng aking pagdadalamhati”.
  2. 18 BENJAMIN: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “anak na pagpapalain”.