Genesis 22:2
Magandang Balita Biblia
2 Sinabi(A) sa kanya, “Isama mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya sa akin.”
Read full chapter
Mga Awit 2:7
Magandang Balita Biblia
7 “Ipahahayag(A) ko ang sinabi sa akin ni Yahweh,
‘Ikaw ang aking anak,
mula ngayo'y ako na ang iyong ama.
Isaias 42:1
Magandang Balita Biblia
Ang Lingkod ni Yahweh
42 Sinabi(A) (B) ni Yahweh,
“Narito ang lingkod ko na aking hinirang;
ang aking pinili at lubos na kinalulugdan;
ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu,
at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa.
Mateo 12:18
Magandang Balita Biblia
18 “Narito(A) ang lingkod ko na aking hinirang,
ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan;
ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu,
at siya ang magpapahayag ng katarungan sa mga bansa.
Mateo 17:5
Magandang Balita Biblia
5 Habang(A) nagsasalita pa si Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula rito'y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”
Read full chapter
Marcos 1:11
Magandang Balita Biblia
11 Narinig(A) niya ang isang tinig na mula sa langit at nagsasabing, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
Read full chapter
Lucas 9:35
Magandang Balita Biblia
35 May isang(A) tinig na nagsalita mula sa ulap, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang.[a] Pakinggan ninyo siya!”
Read full chapterFootnotes
- Lucas 9:35 ang aking Hinirang: Sa ibang manuskrito'y ang aking Minamahal .
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.