Genesis 2:9
Ang Biblia, 2001
9 At(A) pinatubo ng Panginoong Diyos sa lupa ang lahat ng punungkahoy na nakakalugod sa paningin, at mabuting kainin; gayundin ang punungkahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, at ang punungkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama.
Read full chapter
Apocalipsis 22:2
Ang Biblia, 2001
2 sa(A) gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay naroon ang punungkahoy ng buhay, na namumunga ng labindalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawat buwan; at ang mga dahon ng punungkahoy ay para sa pagpapagaling sa mga bansa.
Read full chapter
Ezekiel 28:13
Ang Biblia, 2001
13 Ikaw ay nasa Eden na halamanan ng Diyos;
bawat mahahalagang bato ay iyong kasuotan,
ang sardio, topacio, diamante,
berilo, onix, jaspe,
zafiro, karbungko, at esmeralda;
at ang ginto at ang pagkayari ng iyong pandereta
at ng iyong mga plauta ay nasa iyo;
sa araw na ikaw ay lalangin
inihanda ang mga ito.
Ezekiel 31:8
Ang Biblia, 2001
8 Ang(A) mga sedro sa halamanan ng Diyos ay hindi makapantay sa kanya;
ni ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kanyang mga sanga,
at ang mga puno ng kastano ay walang halaga
kapag inihambing sa kanyang mga sanga;
walang anumang punungkahoy sa halamanan ng Diyos
na kagaya niya sa kanyang kagandahan.