Add parallel Print Page Options

26 Pagkatapos,(A) sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” 27 Nilalang(B) (C) nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, 28 at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.

Read full chapter

Pagkatapos,(A) ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao[a] mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7 TAO: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “tao” at “alabok” ay magkasintunog.