Add parallel Print Page Options

19 Ngunit nang magsalita laban dito ang mga Judio, napilitan akong umapela hanggang kay Cesar. Hindi sa mayroon akong anumang sukat na maisakdal laban sa aking bansa. 20 Kaya nga, ito ang dahilan kung bakit hiniling kong makipagkita at makipag-usap sa inyo sapagkat sa pag-asa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito.

21 Sinabi nila sa kaniya: Hindi kami tumanggap ng mga sulat na galing sa Judea patungkol sa iyo. Hindi rin naparito ang sinumang kapatid na magbalita o magsalita ng anumang masama patungkol sa iyo.

Read full chapter