Add parallel Print Page Options

20 Kundi, nangaral ako, una sa mga taga-Damasco at sa Jerusalem din naman at sa buong lupain ng Judea at gayundin sa mga Gentil. Pinangaralan ko silang magsisi at manumbalik sa Diyos na gumawa ng mga gawang karapat-dapat sa pagsisisi. 21 Dahil sa mga bagay na ito, hinuli ako ng mga Judio sa templo at pinagsisikapang patayin. 22 Nang tanggapin ko nga ang tulong na mula sa Diyos, nanatili ako hanggang sa araw na ito. Nagpapatotoo ako sa mga hindi dakila at gayundin sa mga dakila. Wala akong sinasabing anuman kundi ang sinabi ng mga propeta at gayundin ni Moises na malapit nang mangyari.

Read full chapter