Add parallel Print Page Options

Ang Pagpunta ni Pablo sa Corinto

18 Pagkatapos noon, umalis si Pablo sa Athens at pumunta sa Corinto. Nakilala niya roon si Aquila na isang Judio na taga-Pontus, at ang asawa nitong si Priscila. Kararating lang nila galing sa Italia, dahil may utos si Emperador Claudius na ang lahat ng Judio ay dapat umalis sa Roma. Dinalaw ni Pablo ang mag-asawang ito sa kanilang bahay. Pareho silang manggagawa ng tolda, kaya nakitira na siya sa kanila at nagtrabahong kasama nila.

Read full chapter