Add parallel Print Page Options

Hindi Nagkasundo sina Pablo at Bernabe

36 Pagkaraan ng ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe: Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa bawat lungsod na pinangaralan natin ng salita ng Panginoon. Alamin natin kung ano ang kalagayan nila. 37 Nakapagpasiya na si Bernabe na isama nila si Juan na tinatawag na Marcos. 38 Ngunit inisip ni Pablo na hindi mabuting siya ay isama nila sapagkat humiwalay siya sa kanila sa Pamfilia at hindi sumama sa kanila sa gawain.

Read full chapter