Add parallel Print Page Options

28 Tumindig ang isa sa kanila na nagngangalang Agabo. Ipinahayag niya sa pamamagitan ng Espiritu na magkakaroon ng malaking taggutom sa buong sanlibutan. Ito ay nangyari sa kapanahunan ni Claudio Cesar. 29 Nakatalaga na ang loob ng mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid na nakatira sa Judea, ayon sa kakayanan ng bawat isa. 30 Ipinadala nila ito sa mga matanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo.

Read full chapter