Add parallel Print Page Options

23 Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak sa karaniwang paraan,[a] ngunit ang anak niya sa babaing malaya ay isinilang bilang katuparan ng pangako ng Diyos. 24 Ito'y isang paghahambing: Ang mga babaing ito'y larawan ng dalawang tipan. Ang isa ay ang tipan na nagmula sa bundok ng Sinai na inilalarawan ni Hagar na nagsilang ng mga anak para sa pagkaalipin. 25 Ngayon, si Hagar ay kumakatawan sa bundok ng Sinai sa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Galacia 4:23 Sa Griyego, ayon sa laman.