Add parallel Print Page Options

Tinanggap si Pablo ng mga Apostol

Pagkalipas (A) ng labing-apat na taon, muli akong nagtungo sa Jerusalem kasama sina Tito at Bernabe. Ang pagtungo ko roon ay dahil sa pahayag ng Diyos na dapat akong pumunta doon. Palihim akong nakipagpulong sa mga kinikilalang pinuno ng iglesya, at inilahad ko sa kanila ang ebanghelyong aking ipinangaral sa mga Hentil. Ginawa ko ito sapagkat ayokong mawalan ng kabuluhan ang lahat ng aking ginawa at ginagawa. Subalit maging ang kasama kong si Tito, kahit na siya'y isang Griyego, ay hindi pinilit na magpatuli,

Read full chapter