Galacia 4:29-30
Magandang Balita Biblia
29 Kung(A) noong una, ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay inuusig ng ipinanganak ayon sa kagustuhan ng tao, gayundin naman ngayon. 30 Ngunit(B) ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Palayasin mo ang babaing alipin at ang kanyang anak, sapagkat ang anak ng alipin ay hindi dapat makibahagi sa mana ng anak ng malaya.”
Read full chapter
Galacia 4:29-30
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
29 Kung paanong inusig noon (A) ng ipinanganak sa karaniwang paraan ang ipinanganak ayon sa Espiritu, ganoon din naman ngayon. 30 Subalit (B) ano ang sinasabi ng kasulatan? “Palayasin mo ang babaing alipin at ang kanyang anak, sapagkat hindi magmamanang magkasama ang anak ng babaing alipin at ang anak ng babaing malaya.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.