Add parallel Print Page Options

Ang Tunay na Katuwiran

Kahuli-hulihan, mga kapatid ko, magalak kayo sa Panginoon. Hindi kalabisan para sa akin ang muli kong isulat sa inyo ang dati ko nang naisulat, sa halip, ito'y upang kayo'y ingatan.

Mag-ingat kayo sa mga aso, sa mga gumagawa ng masasama, at sa mga sumusugat sa kanilang katawan. Sapagkat tayo ang mga tunay na tuli, na naglilingkod sa tulong ng Espiritu ng Diyos at ang ating pagmamalaki ay nakay Cristo Jesus, at hindi sa anumang ginagawa sa ating katawan.

Read full chapter