Add parallel Print Page Options

24 Subalit ako'y umaasa, sa tulong ng Panginoon, na ako rin ay makakapunta riyan sa lalong madaling panahon.

25 Inisip kong kailangan nang papuntahin diyan ang ating kapatid na si Epafrodito, na aking kamanggagawa at kapwa kawal ng Diyos na isinugo ninyo upang magdala ng inyong kaloob, at upang makatulong sa akin. 26 Sabik na sabik na siya sa inyong lahat.[a] Nag-aalala siya dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Filipos 2:26 siya sa inyong lahat: Sa ibang manuskrito'y siyang makita kayo .