Add parallel Print Page Options

Ito ay dahil sa inyong pakikipag-isa sa ebanghelyo mula pa noong unang araw hanggang ngayon. Lubos akong nakakatiyak sa bagay na ito, na siya na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay magtatapos nito hanggang sa araw ni Jesucristo.

Matuwid lamang na maging ganito ang aking kaisipan sa inyong lahat sapagkat kayo ay nasa puso ko. Kayong lahat ay kabahagi ko sa biyaya, sa pagkatanikala, sa pagtatanggol at sa pagpapatunay na totoo ang ebanghelyo.

Read full chapter