Add parallel Print Page Options

Ang Sulat ni Artaxerxes kay Ezra

11 Ito ang sipi ng sulat na ibinigay ng Haring Artaxerxes kay Ezra na pari, ang eskriba, isang marunong sa mga bagay ng mga utos ng Panginoon at ng kanyang mga alituntunin sa Israel:

12 “Si Artaxerxes, hari ng mga hari, kay Ezra na pari, na kalihim[a] ng kautusan ng Diyos ng langit. At ngayon,

13 ako'y gumagawa ng utos na sinumang kabilang sa bayan ng Israel o ang kanilang mga pari o mga Levita sa aking kaharian na nagnanais pumunta sa Jerusalem, ay maaaring sumama sa iyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezra 7:12 o eskriba .