Add parallel Print Page Options

60 ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nekoda, animnaraan at limampu't dalawa.

61 Gayundin sa mga anak ng mga pari: ang mga anak ni Habaias, ang mga anak ni Hakoz, at ang mga anak ni Barzilai, na nag-asawa sa mga anak ni Barzilai na taga-Gilead, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.

62 Hinanap ng mga ito ang kanilang mga pangalan ayon sa talaan ng kanilang salinlahi, ngunit ang mga iyon ay hindi natagpuan doon. Kaya't sila'y ibinilang na marurumi at inalis sa pagkapari.

Read full chapter