Add parallel Print Page Options

Ang Talaan ng mga Bumalik mula sa Pagkabihag(A)

Ngayon ito ang mga mamamayan ng lalawigan na dumating mula sa mga bihag na dinala sa Babilonia ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia. Sila'y bumalik sa Jerusalem at sa Juda, ang bawat isa'y sa kanyang sariling bayan.

Sila'y dumating na kasama nina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Seraya, Reelias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana. Ang bilang ng mga lalaki ng sambayanang Israel ay ito:

ang mga anak[a] ni Paros, dalawang libo isandaan at pitumpu't dalawa.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezra 2:3 Sa Hebreo ay anak na lalaki .