Add parallel Print Page Options

Lahat ng nasa palibot nila ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng mga kagamitang pilak at ginto, mga ari-arian, mga hayop, at ng mga mamahaling gamit, bukod pa sa lahat ng kusang-loob na inihandog.

Inilabas din ni Haring Ciro ang mga kagamitan sa bahay ng Panginoon na tinangay ni Nebukadnezar mula sa Jerusalem at inilagay sa bahay ng kanyang mga diyos.

Ang mga ito ay inilabas ni Ciro na hari ng Persia sa pamamagitan ni Mitridates na ingat-yaman, na siyang bumilang nito kay Shesbazar, na pinuno ng Juda.

Read full chapter