Add parallel Print Page Options

19 At kapag lumabas na sila sa bulwagan sa labas na kinaroroonan ng mga tao, kinakailangang hubarin muna nila ang mga damit na ginamit nila sa paglilingkod at ilagay doon sa banal na silid, at saka sila magsuot ng pangkaraniwang damit para hindi mapinsala ang mga tao sa kabanalan nito.[a]

20 “Hindi rin sila dapat magpakalbo o magpahaba ng buhok, dapat lagi silang magpagupit. 21 Hindi rin sila dapat uminom ng alak kung pupunta sa loob na bakuran ng templo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 44:19 para … nito: Ang mga pangkaraniwang tao ng mga panahong iyon ay mahigpit na pinagbabawalang humawak ng mga banal na bagay sa loob ng templo dahil maaaring may masamang mangyari sa kanila.