Add parallel Print Page Options

sa kanilang paglalagay ng kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan, at ng kanilang mga haligi ng pintuan sa tabi ng aking mga haligi ng pintuan, na mayroon lamang pader sa pagitan ko at nila. Kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa; kaya't aking tinupok sila sa aking galit.

Ngayon nga'y iwan nila ang kanilang pagiging bayarang babae,[a] at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari, at ako'y tatahan sa gitna nila magpakailanman.

10 “Ikaw, anak ng tao, ilarawan mo sa sambahayan ni Israel ang anyo at plano ng bahay, upang sila'y mapahiya sa kanilang mga kasamaan, at hayaang sukatin nila ang plano.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 43:9 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .