Add parallel Print Page Options

Sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Gog, na pinuno ng Meshec at Tubal, kalaban kita. Paiikutin kita at kakawitan ko ng kawil ang panga mo. Hihilahin kita kasama ang buong hukbo mo – ang iyong mga kabayo, armadong mangangabayo at ang napakarami mong sundalo na may malalaki at maliliit na kalasag at may mga espada. Sasama sa kanila ang mga sundalo ng Persia, Etiopia[a] at Libya na may mga kalasag at helmet,

Read full chapter

Footnotes

  1. 38:5 Etiopia: sa Hebreo, Cush.