Add parallel Print Page Options

18 “Ezekiel, anak ng tao, tangisan mo ang mga mamamayan ng Egipto, kasama ng mga bansang makapangyarihan. Ihagis mo sila sa walang hanggang kalaliman upang masama sa mga naroon na. 19 Sabihin mo sa kanila,

“Hindi kayo nakahihigit sa iba.
Ihuhulog din kayo sa walang hanggang kalaliman,
    kasama ng mga makasalanan.

20 “Mamamatay ang mga Egipcio, tulad ng mga namatay sa digmaan. Handa na ang tabak na papatay sa kanila.

Read full chapter